ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
Showbiz
TEASER

Chariz Solomon, ibahahagi ang ginawang pagbangon mula sa malungkot niyang nakaraan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa kabila ng mga halakhak, may malungkot na pinagdaanan ang komedyanteng si Chariz Solomon noong kaniyang kabataan.

“Ang natatandaan ko lang is malungkot ako… mayroon kasing verbal abuse, physical abuse… naranasan ko rin ‘yung sexual abuse,” saad ni  Chariz sa teaser ng “I-listen With Kara David.”

“Ang natutunan ko, marami talagang bagay na hindi natin makokontrol. Basta I have the power to change my life, my future, my present,” sabi pa niya.

Tunghayan ang matapang niyang pagbabahagi ng kaniyang kuwento ngayong Miyerkules, January 14, 5:00 pm, sa GMA Public Affairs' Youtube channel, Spotify at Apple Podcast. – FRJ, GMA Integrated News