ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
Showbiz

Dingdong Dantes, nakipagkita kina Kris Aquino at Bimby


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Dingdong Dantes, nakipagkita kina Kris Aquino at Bimby

Nakipagkita si Dingdong Dantes sa ninang sa kasal niyang si Kris Aquino at anak nitong si Bimby.

Sa isang Instagram Story, ibinahagi ni Jonathan Velasco, hairstylist ni Kris Aquino, ang isang video ni Dingdong kasama ang Queen of All Media at si Bimby.

Kasama rin nila ang malapit na kaibigan ni Kris na si Darla Sauler, at iba pa.

Nagbahagi rin si Jonathan ng video ni Kris na naghahanda, at may ilang larawan pa na magkakasama sina Dingdong, Kris at Bimby.

Isa si Kris sa mga principal sponsor nang ikasal sina Dingdong at Marian Rivera noong 2014. Dati na ring nagkatrabaho sina Dingdong at Kris sa horror film na "Segunda Mano" noong 2011. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News