ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
Showbiz
Bahay ni 'It's Showtime' host Teddy Corpuz, nilooban; P90K halaga ng mga gamit at pera, ninakaw
By GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nilooban ang bahay ng “It's Showtime host” na si Teddy Corpuz, at natangay ang nasa P90,000 halaga ng pera, alahas at tablet.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, mapanonood sa CCTV ang pag-akyat ng isang lalaki sa balkonahe ng ikalawang palapag ng bahay ni Teddy.
Kalaunan, pumasok ang lalaki sa bintana, binuksan ang pinto saka naghalughog sa mga gamit.
Ayon sa pulisya, natutulog sa ikatlong palapag si Teddy at ang kaniyang pamilya nang maganap ang pagnanakaw.
Tukoy na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng lalaking nanloob.
Sinabi ni Teddy na nakikipag-ugnayan sa kaniyang kapatid ang suspek at ibinalik ang tablet.
Patuloy ang pagtugis sa suspek na nahaharap sa reklamong robbery. —VAL, GMA News
Tags: Teddy Corpuz
More Videos
Most Popular