ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
Showbiz

BTS sa Philippine Sports Stadium sa 2027; presyo ng tiket para sa 'Arirang' concert, inilabas na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Magtatanghal ang BTS sa Philippine Sports Stadium sa Bulacan para sa kanilang “Arirang” concert na gaganapin sa Marso 13 at 14, 2027, ayon sa anunsyo ng Live Nation.

Ang halaga ng mga tiket ay:

  • VIP Soundcheck - P25,000
  • Floor Standing - P20,000
  • Bleachers 1 - P13,500
  • Bleachers 2 - P7,500

Nakatakda ang ARMY Membership presale sa Hunyo 9 sa ganap na 11:00 am sa pamamagitan ng Weverse, habang ang Live Nation Philippines presale naman ay gaganapin sa Hunyo 10 sa ganap na 11:00 am.

Magsisimula ang general ticket sales sa Hunyo 11 sa ganap na 11:00 am.

Nagsimula ang world tour ng BTS--na binubuo nina RM, Jin, Suga, J-Hope, Jimin, V, at Jungkook-- ngayong buwan sa South Korea, kasunod ng paglabas ng kanilang comeback album na “Arirang” noong nakaraang Marso. —Carby Rose Basina/FRJ, GMA News

Tags: BTS, BTS Arirang