ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Babae, patay nang ma-trap sa nasusunog na bahay sa QC


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang 25-anyos na babae ang nasawi sa sunog sa isang residential area nitong Biyernes ng umaga sa Barangay Damayang Lagi, Quezon City.

Sa ulat ni Allan Gatus ng Super Radio DZBB sa GTV News Balitanghali, sinabing na-trap sa sunog sa sa 13th Street ang babaeng biktima.

Lumabas sa inisyal na impormasyon mula sa mga arson investigator ng Bureau of Fire Protection, Quezon City, na nakita ang katawan ng babae sa loob ng isa sa mga nasunog na bahay.

Sinabi ng lalaking kasama ng biktima na may tiyansa pa sanang makalabas ang babae, pero bumalik pa siya sa loob ng nasusunog na bahay.

Patuloy na inaalam ang dahilan ng pagsiklab ng apoy at ang bilang ng mga nasunog na bahay.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog, na naapula dakong 8:44 a.m.—Jamil Santos/FRJ, GMA News