ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Piso, nagtala ng panibagong record low na P62.35:US$1


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patuloy ang paghina ng piso kontra dolyar ng Amerika, at nagtala ng panibagong record low sa intraday trading nitong Martes ng umaga.

Nitong 10:00 am, umabot sa P62.35:$1 ang pinakamababang halaga ng piso laban sa dolyar nitong Martes, na mas mababa sa dating record low na P62.265:$1 na naitala noong Agosto 28, 2026. Nagbukas ang piso sa halagang P62.25:$1.

Ayon kay Michael Ricafort, chief economist ng Rizal Commercial Banking Corp., humina ang piso, “after the latest hawkish signals by Fed Chair Kevin Warsh during the yearly Jackson Hole Symposium on August 28, 2026.”

Dahil dito, tumaas umano ang halaga ng US dollar kumpara sa mga pangunahing currency sa mundo at umabot sa halos dalawang linggong pinakamataas na antas, o pinakamataas mula Agosto 18, 2026, mula sa halos tatlong buwang pinakamababang antas nito.

Gayunman, sinabi ni Ricafort na bahagyang napigilan ang pagbaba ng piso dahil sa mga ginawang hakbang ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Nauna nang sinabi noon ni BSP Governor Eli Remolona Jr. na may mga ginagawa ang central bank sa malalaking pagbabago sa exchange rate ng piso laban sa dolyar.

“What we do is to manage the sharp movements in the exchange rate. The exchange rate itself is something very hard to fix for a country like the Philippines. Philippines’ exports are insufficient, noting the country’s trade deficit. It is difficult to stop the peso’s fall. The BSP can slow the peso’s depreciation, but it cannot fix the exchange rate; we will run out of reserves,” ani Remolona.

Noong nakaraang Huwebes, nagpasya ang central bank na itaas ang policy rates sa ikatlong magkakasunod na meeting, dahilan upang umabot sa 5.0% ang benchmark policy rate.— FRJ, GMA News