ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Tumaya ng Superlotto 6/49 ticket sa Parañaque City, pumaldo ng P25.3 milyon


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang mananaya ang pumaldo ng P25.3 milyon matapos na tamaan ang lumabas na kombinasyon ng mga numero sa Superlotto 6/49 draw nitong Linggo ng gabi, September 6, 2026.

Sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) live draw nitong Linggo, isang mananaya ang tumama sa kombinasyon ng mga numero na 39-29-44-15-43-25, sa Superlotto 6/49 draw na may kabuuang premyo na P25,303,908.47.

Tinayaan ang naturang winning ticket sa Parañaque City.

Samantala, nananatiling mailap ang malaking jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 na wala pa ring nanalo nitong Linggo.

Ang lumabas na winning number combination ay 29-38-10-49-23-07 na umaabot na ang premyo sa P272,327,172.65.

Noong Sabado, wala ring tumama sa Grand Lotto 6/55 draw na umaabot naman sa mahigit P177 milyon ang premyo. – FRJ, GMA News

Tags: lotto, PCSO