ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

2 lalaki na nanghuhuli ng gagamba, patay nang barilin matapos mapagkamalan umanong mga kawatan sa Quezon


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dalawang lalaki, kabilang ang isang 15-anyos na binatilyo, na nanghuhuli umano ng gagamba ang nasawi matapos silang barilin ng tauhan ng isang manukan sa Lucena, Quezon. Ang mga biktima, napagkamalan daw na mga magnanakaw.

Sa ulat ng GMA News 24 Oras nitong Martes, sinabi ng ama ng nasawing binatilyo na napadpad sa manukan ang kaniyang anak, at mga kaibigan nito para manghuli ng gagamba na ibinebenta ng mga ito.

Ayon sa isang kasama ng mga biktima, itinaboy sila ng tauhan sa manukan nang mapadaan sila sa lugar.

Hanggang sa hinabol na umano sila ng tauhan at saka pinaputukan ng shotgun. Tinamaan at nasawi ang dalawang biktima, habang nakaligtas ang iba pa nilang kasama.

Nadakip na ang tauhan ng manukan na wala pang pahayag.—FRJ, GMA News

Tags: crime