ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Binatilyo, patay matapos pagtulungang saksakin ng 4 na lalaki sa Tarlac; 3 suspek, menor de edad din


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patay ang isang 17-anyos na binatilyo matapos siyang pagtulungang bugbugin at saksakin ng apat na lalaki sa Capas, Tarlac. Ang tatlo sa mga suspek, menor de edad din, at hinihinalang motibo sa krimen ang maingay umanong tambutso ng motorsiklo ng biktima.

Sa ulat ni CJ Torida sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Miyerkoles, sinabing nangyari ang krimen sa liblib na lugar sa Barangay Lawy.

“Yung victim naiwan pero yung witness, nakatakbo at nakapagtago dahil alam niya, baka kung anong gawin sa kaniya. Sabi ng witness, parang papunta sa itikan nila, naingayan sila doon sa tambutso ng biktima pati yung barracks, hinalughog ng suspek,” ayon kay Police Lieutenant Anthony Garcia, investigator, Capas Police Station.

Nahuli kalaunan ang apat na suspek na kinabibilangan ng tatlong menor de edad na; 14-anyos ang isa, at 17-anyos ang dalawa.

Inilagay sila sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Kinasuhan naman ang isa pang suspek na 18-anyos.

Sinisikap pang makuhanan ng pahayag ang sangkot sa krimen. – FRJ, GMA News

Tags: crime