ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Rider, nasawi matapos mabagsakan ng pinutol na sanga ng puno sa Pangasinan
By GMA Integrated News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nasawi ang isang 60-anyos na motorcycle rider matapos siyang mahulugan ng pinutol na sanga mula sa puno sa San Carlos, Pangasinan.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Lunes, sinabing lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, na napadaan lang sa lugar ang biktima nang masakto na may nagpuputol ng sanga.
Nahulog ang sanga at tinamaan ang rider na nabagok ang ulo sa kalsada nang matumba
Sinampahan umano ng reklamong reckless imprudence resulting to homicide ang pumutol ng sanga, na sinusubukan pang makuhanan ng pahayag. – FRJ, GMA Integrated News
Tags: accident
More Videos
Most Popular