ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
MUNTIK NA

SUV, mabuting naiwasan ang batang biglang tumawid sa Southern Leyte


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isa na namang bata ang muntik nang madisgrasya dahil sa biglang pagtawid sa kalsada.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Lunes, ipinakita ang nahuli-cam na insidente sa Barangay Magkasag sa Libagon, Southern Leyte noong Pebrero 12.

Sa video, makikita ang bata na biglang tumawid sa kalsada na walang pedestrian lane matapos na makaalis ang isang bus. Pero sa kabilang linya ng kalsada, isang SUV naman biglang dumating.

Mabuti na lang at naiwasan ng SUV ang bata at hindi niya natamaan.

Bumaba rin umano ang driver ng SUV upang tingnan ang kalagayan ng bata.—FRJ, GMA Integrated News

Tags: hulicam