ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Pusang buntis, pinulot at hinagis sa tulay ng lalaking inakalang patay na ito sa Cavite


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang pusang buntis ang pinulot bago inihagis sa tulay ng isang lalaki sa Indang, Cavite. Depensa ng suspek, inakala niyang patay na ang pusa matapos masagasaan.

Sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Sabado, mapanonood ang viral video ng pag-itsa ng lalaki sa pusa noong Martes, ayon sa pulisya.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente.

Sinabi ng isang animal welfare group na hinanap nila ang pusa nang may mag-ulat na buhay pa ito ngunit nabigo silang makita ang hayop.

Magsasampa sila ng reklamo laban sa suspek. 

Isang college freshman ang suspek, na sinabing inakala niyang patay na ang pusa nang masagasaan ito.

Humingi siya ng patawad sa pagkakamaling nagawa at handa rin siyang harapin ang isasampang reklamo. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News