ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Rider at 2 angkas na galing sa birthday party, patay nang mahulog sa bangin sa Negros Oriental
By GMA Integrated News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nasawi ang isang rider at dalawa niyang angkas matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Guihulngan, Negros Oriental.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Huwebes, sinabing nangyari ang aksidente sa Barangay Bulado.
Sinabi ng pulisya na nawalan ng kontrol ang rider hanggang sa dumiretso sila sa bangin na may lalim na 10 hanggang 15 metro.
Lumabas sa imbestigasyon na pauwi na galing birthday party ang tatlo at pawang mga nakainom umano nang maaksidente. – Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News
Tags: accident
More Videos
Most Popular