ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Batang lalaki na naka-bike, patay matapos masalpok ng SUV sa Isabela
By GMA Integrated News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nasawi ang isang anim na taong gulang na lalaki matapos siyang aksidenteng mabangga ng isang sports utility vehicle (SUV) sa Luna, Isabela.
Sa ulat ni CJ Torida sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Biyernes, sinabing nangyari ang insidente sa Barangay Mambabanga noong Miyerkules ng gabi.
Nadala pa sa ospital ng rescue team ang bata pero hindi na siya umabot nang buhay.
Ayon sa pulisya, nagkausap na ang kaanak ng biktima at ang driver SUV na nangako umanong sasagutin ang pagpapalibing sa bata.
Sinisikap pa ng GMA Regional TV One North Central Luzon na makuhanan ng pahayag ang mga kaanak ng biktima. – FRJ, GMA Integrated News
Tags: accident
More Videos
Most Popular