ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Pulis, patay matapos sumalpok ang minamanehong kotse sa isang trailer truck


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nasawi ang isang 40-anyos na pulis matapos na sumalpok ang minamaneho niyang kotse sa nakasalubong na trailer truck sa Barangay Mabusag Sur sa Badoc, Ilocos Norte, noong Sabado.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Lunes, sinabing lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na pumutok ang gulong sa harapan ng kotse habang nasa paakyat na bahagi ng tulay.

Ang pagputok umano ng gulong ang dahilan para mapunta sa kabilang linya ng kalsada ang kotse, at doon naman niya nakasalpukan ang truck.

Nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang biktima na binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital.

Ligtas naman ang driver ng truck na sumuko sa pulisya. Pero hindi na umano magsasampa ng kaso laban sa driver ang pamilya ng nasawing pulis. – FRJ, GMA Integrated News

Tags: accident