ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Mag-asawa at pamangkin, patay sa kinaing puffer fish o butete na kanila lang hiningi


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nasawi ang isang mag-asawa at kanilang pamangkin matapos na kainin ang nilutong puffer fish o butete, na kanilang hiningi sa isang mangingisda sa Kawayan, Masbate.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Huwebes, sinabi ng isang opisyal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources- Region 5,  na isang mangingisda ang aksidenteng nalambat ang butete.

Itatapon umano sana niya ang isda dahil alam niyang nakalalason ito. Pero hiningi raw ng mga biktima ang butete at niluto.

Matapos kainin ng mag-asawa at kanilang pamangkin ang isda, nagsuka at namanhid daw ang katawan ng mga ito hanggang sa bawian ng buhay.

Ayon sa BFAR-Bicol, kabilang ang naranasan ng mga biktima sa palatandaan ng puffer fish poisoning na dulot ng taglay nitong lason na tetrodotoxin. May ganitong lason din ang mga isdang goby at biya kaya dapat hindi rin kainin.

Sinabi sa ulat na may iba’t ibang uri ng puffer fish, pero kinakain ang ilan sa mga ito sa ibang bansa matapos ang metikulosong paglilinis at pagluluto ng mga eksperto. – FRJ, GMA Integrated News