ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

349 Pilipino mula sa UAE, nakauwi sa ikalimang charter flight nitong Biyernes


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Mahigit 300 Pilipino ang nakabalik sa Pilipinas nitong Biyernes ng gabi na bahagi ng repatriation program ng pamahalaan sa gitna ng kaguluhang nagaganap sa Middle East.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ang ikalimang charter flight ng gobyerno ay binubuo ng 349 repatriates. Kinabibilangan ito ng 222 OFWs at kanilang 78 dependents, pati na rin ang 49 na na-stranded na Pilipino.

Dumating sila Maynila mula Dubai dakong 7:00 pm.

Tinulungan ang mga repatriate sa pag-fill out ng mga kinakailangang form at binigyan din sila ng tulong pinansiyal at medikal.

"For our OFWs, those who live in Visayas and Mindanao are given accommodation upon their arrival in Manila. We also facilitate their onward flight to their respective provinces," ayon kay Labor Attaché Atty. John Rio Bautista, Migrant Workers Office Dubai and Northern Emirates.

Sa hiwalay na pahayag ng Department of Health (DOH), sinabing kasamang sumalubong sa mga repatriate si Health Secretary Teodoro Herbosa, at isang grupo ng mga doktor, nurse, psychologist, at mga komadrona.

Libo-libong Pilipino na ang napauwi mula nang atakihin ng United States at Israel ang Iran noong huling bahagi ng Pebrero. Naganap ito matapos mabigo ang negosasyon hinggil sa nuclear program ng Tehran. —Jiselle Anne Casucian/FRJ, GMA Integrated News