ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Sekyu, binaril ang umano’y mga nambu-bully sa kaniya; 1 patay, 1 sugatan
By GMA Integrated News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isa ang patay at isa ang sugatan matapos silang barilin ng isang security guard sa Cebu City. Ang mga biktima, bully umano, ayon sa suspek.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Lunes, sinabing lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nakaupo sa gilid ng kalsada ang dalawang biktima nang barilin sila ng 48-anyos na suspek.
Nasawi ang isa kanila, habang sugatan naman ang isa pa. Tumakas ang suspek pero naaresto rin siya kalaunan at narekober ang kaniyang service firearm na ginamit umano sa krimen.
Ayon pa sa pulisya, sinabi ng suspek na lagi siyang binu-bully ng mga biktima.
Wala pang ibinibigay na pahayag ang suspek.—FRJ, GMA Integrated News
More Videos
Most Popular