ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Wanted na lalaki, hinabol ng mga pulis hanggang sa bubungan
By GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Umabot hanggang sa bubungan ang paghabol ng mga awtoridad sa isang lalaking suspek sa kasong pagpatay at sangkot umano sa ilegal na droga sa Malabon.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Martes, makikita sa video footage na sinisigawan ang suspek habang nasa bubungan na sumuko na.
Sa isang punto, itinaas na ng lalaki ang dalawa niyang kamay na tila susuko. Pero sa halip, tinangka pa rin niyang tumakas.
Nakabuntot naman sa kaniya ang mga pulis hanggang sa ma-corner siya at madamba ng isang pulis.
Itinanggi ng suspek ang mga paratang laban sa kaniya, at sinabing nagulat na lang siya nang hinuhuli na siya ng mga pulis. – FRJ, GMA News
Tags: crime
More Videos
Most Popular