ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Barangay chairman at kaniyang driver, sugatan sa ambush sa Maguindanao


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sugatan ang isang barangay chairman at ang kaniyang driver matapos silang pagbabarilin habang nasa loob ng sasakyan sa Pandag, Maguindanao del Sur.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao nito Miyerkules, sinabing nangyari ang pananambang noong umaga ng Lunes, Marso 30, 2026, sa Sitio Bagyang sa Barangay Malangit.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Hadji Mansor Mangelin, chairman ng Barangay Damasulay sa bayan ng Paglat, at ang kaniyang driver. Dinala ang dalawa sa ospital.

Ayon sa Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), bumibiyahe ang mga biktima mula sa bayan ng Buluan nang pagbabarilin sila ng mga suspek na sakay ng motorsiklo (riding-in-tandem) pagdating sa pinangyarihan ng krimen.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga salarin at ang motibo sa pamamaril.

Sinusubukan pang makapanayam ng GMA Regional TV One Mindanao ng pahayag ang mga biktima.—FRJ, GMA News

Tags: ambush