ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Gang leader na nagsimula umano ng gulo sa kilos-protesta kontra-katiwalian sa Maynila, huli dahil sa ibang kaso
By GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Hinuli sa Nueva Ecija ang lider ng isang gang na nag-umpisa umano ng gulo sa gitna ng kilos-protesta kontra katiwalian noong Setyembre sa Maynila. Paglilinaw naman ng National Capital Region Police Office, walang kinalaman sa nangyaring gulo ang pagkakadakip sa kaniya.
Sa ulat ng GMA News Bulletin, sinabing hinuli ang gang leader sa bisa ng warrant of arrest na may kinalaman sa dalawang kaso ng robbery with intimidation at homicide.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang nadakip na gang leader.
Patuloy naman ang pagkalap ng pulisya ng ebidensya para makasuhan din ang gang leader sa sumiklab na gulo sa Maynila. —Jamil Santos/VBL, GMA News
More Videos
Most Popular