ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

3, sugatan nang mauwi sa pananaga at pamamaril ang outing ng 2 grupo sa isang ilog sa Iloilo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tatlong tao ang isinugod sa ospital nang mauwi sa karahasan ang outing ng dalawang grupo sa isang ilog sa Calinog, Iloilo.

Sa ulat ng GTV News "Balitanghali" nitong Martes, sinabing nangyari ang insidente sa Malagumpit River sa Barangay Cahigon.

Sa video, makikita ang mga tao na nagkakagulo at may madidinig din na putok ng baril.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lasing umano ang mga sangkot sa gulo at magkainitan habang nagbabakasyon sa ilog.

Isang lalaki umano ang nanaga sa isang pang lalaki.

Binaril naman ng isang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) ang lalaking nanaga.

Nadamay din ang isang barangay kagawad na nagtangka umanong umawat sa gulo.

Dinala ang mga sugatan sa ospital at nasa ligtas na silang kalagayan.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente, at isa sa mga tinitingnan motibo sa gulo ang matagal na alitan. – FRJ, GMA Integrated News

Tags: crime