ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Harutan ng aso at baboy na tila best friends, kinaaliwan ng netizens


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kinagiliwan at pinusuan ng netizens ang “petship” ng isang aso at baboy sa Samal, Davao del Norte.

Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Martes, mapanonood ang kulitan ng tila mag-best friends ng asong si Ling, at baboy na si Pinky.

Ayon sa nag-aalaga sa mga ito na si Mary Pelegrino, bigla na lang lumapit ang aso sa baboy.

Inakala niyang matatakot si Pinky pero sa huli, nag-bonding ang dalawa.

Umabot na ng walong milyong views online at pinusuan ng isang milyong netizens ang video.—Jamil Santos/FRJ,GMA Integrated News