ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Bahay at ilang tindahan, nasunog dahil umano sa napabayaang sinaing sa Iloilo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ilang bahay at tindahan ang nasunog dahil umano sa napabayang sinaing sa Pavia, Iloilo.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Martes, mapanonood ang makapal na usok na dulot ng malaking apoy sa Barangay Purok II.

Sinabi ng may-ari ng nasunog na bahay na napabayaang sinaing ng kaniyang misis ang tinitingnang sanhi ng apoy.

Isang electronic repair shop din ang naabo, samantalang partially damaged ang stall ng litsong manok at isang photoshop.

Mahigit P200,000 ang danyos ng sunog, batay sa taya ng Bureau of Fire Protection. – Jamil Santos/FRJ, GMA News