ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Lalaking bagong laya, inaresto matapos hawakan umano ang dibdib ng tindera ng buko sa Aklan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inaresto at sinampahan ng reklamo ang isang bagong laya na lalaki dahil sa panghihipo umano sa dibdib ng isang babaeng tindera ng buko sa Kalibo, Aklan.

Sa ulat ni Lyneth Mendoza ng Super Radyo Kalibo sa Super Radyo dzBB nitong Martes, sinabing balik-kulungan ang 47-anyos na suspek, matapos ireklamo ng 30-anyos na babae.

Nangyari umano ang pambabastos ng lalaki nang iabot sa kaniya ng biktima ang hinihingi nitong buko.

Sa pahayag ng pulisya, pilit na itinatanggi umano ng suspek ang paratang at idinadahilan na hindi niya sinasadya na mahawakan ang dibdib ng babae.

 

 

Pero nanindigan sa kaniyang reklamo ang biktimang tindera ng buko, at mayroong mga saksi. Nabasahan na ng reklamong act of lasciviousness ang suspek.

Napag-alaman na dating nakulong ang suspek sa kasong frustrated homicide at nakalaya matapos mabigyan ng parole.—FRJ, GMA News