ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Ahas, nambulaga mula sa inodoro ng isang resort
By GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa mga magbabakasyon ngayon maging sa mga resort, silip-silip din muna kapag may time bago gumamit ng inodoro dahil baka may sumilip ding ahas.
Sa ulat ng GMA Regional TV One Western Visayas nitong Martes, sinabing nasorpresa ang mga guest ng isang resort sa Salvador Benedicto, Negros Occidental nang may ahas silang makita sa loob ng inodoro ng kanilang villa.
Sinabi ng guest sa resort nagpasaklolo sila sa municipal environmental and natural resources office upang makuha nang ligtas ang ahas.
Hinala ng pamunuan ng resort, posibleng galing sa mga puno sa labas ang ahas at nagawang makapasok sa villa sa pamamagitan ng pagdaan sa bintana. – FRJ, GMA News
Tags: umgnews, snake attack
More Videos
Most Popular