ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Sasakyan, nahulog sa bangin sa Benguet; 5 sakay na magkakaanak, nasagip
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Limang magkakaanak ang nailigtas matapos mahulog sa bangin ang kanilang sasakyan sa Barangay Ambuclao sa Bokod, Benguet.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing matapos ang insidente, may mga saksi mula sa isang kalapit na kainan at lumapit sa bangin.
Naiangat nila ang dalawa sa mga nahulog gamit ang kumot at mga lubid.
Ilang saglit pa, dumating din ang pulisya, taga-lokal na pamahalaan, at volunteers na tumulong sa pagsagip sa tatlong iba pa. —Jamil Santos/AOL, GMA News
Tags: bokod benguet, road crash
More Videos
Most Popular