ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Magkapatid na sakay ng motorsiklo, patay nang makasalpukan ang wing van truck sa Ilocos Sur
By GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Dalawang magkapatid na lalaki na magka-angkas sa motorsiklo ang nasawi matapos nilang makasalpukan ang isang wing van truck sa Santiago, Ilocos Sur nitong madaling araw ng Miyerkoles.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Biyernes, mapanonood sa CCTV footage na papaliko ang motorsiklo sa pakurbang parte ng kalsada sa Barangay Ubbog nang maganap ang insidente.
Lumabas sa imbestigasyon ng PNP na ang motorsiklo ang napunta sa linya ng truck.
Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang magkapatid, na humantong sa kanilang pagkamatay.
Sinisikap ng GMA Regional TV One North Central Luzon na makuha ang panig ng kaanak ng mga biktima.
Ligtas naman ang mga sakay ng truck, na hindi pa nagbibigay ng pahayag.—Jamil Santos/FRJ, GMA News
Tags: accident
More Videos
Most Popular