ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Driver, patay nang sumapok ang minamanehong truck sa pader ng isang eskuwelahan sa Quezon
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang delivery truck driver ang nasawi matapos na mawalan umano ng kontrol ang kaniyang sasakyan at sumalpok sa pader ng isang eskuwelahan sa Tagkawayan, Quezon. Tatlong iba pa ang sugatan sa insidente.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Biyernes, lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na binabaybay ng delivery truck ang Quirino Highway sa Barangay San Francisco nang mawalan ng kontrol ang driver sa sasakyan.
Matapos bumangga sa pader ng eskuwelahan, nagdire-diretso pa ang truck hanggang sa bumangga sa isang ginagawang gusali.
Sinusubukan pang makuhan ng panig ang mga sugatan pati ang kaanak ng nasawing bikima.
Sinabi ng pulisya na hinihinalang pumalya ang preno ng truck. – Jamil Santos/FRJ, GMA News
Tags: accident
More Videos
Most Popular