ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Babaeng nakapila para sa DSWD cash aid, patay sa atake sa puso sa QC


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang 55-anyos na babae na nakapila sa Quezon City Hall upang makakuha ng ayudang pinansiyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasawi matapos atakihin umano sa puso.

Sa ulat ni Glen Juego sa Super Radyo dzBB nitong Huwebes, sinabi nito na kinumpirma ni DSWD spokesperson Irene Dumlao, ang nangyari sa babae.

Ayon sa Quezon City Police District na Martes ng umaga nang mangyari ang insidente sa loob ng compound ng city hall.

Sinabi rin ni Dumlao na pinuntahan na ng DSWD ang pamilya ng nasawing ginang upang mabigyan ng tulong, kabilang na ang pagpapalibing.

Matatandaan na isang motorcycle taxi rider ang nasawi rin habang nakapila para sa pinansiyal na ayuda sa Quezon City mahigit isang buwan na ang nakararaan.-- FRJ, GMA News

Tags: cash ayuda