ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Mahigit 100 solar streetlights sa 3 barangay sa Sta. Barbara, Iloilo, ninakaw
By GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Aabot sa 129 solar streetlight na kabuuang halaga na P4.3 milyon ang natangay ng kawatan na nahuli-cam na umaakyat sa mga poste sa Sta. Barbara, Iloilo.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Lunes, sinabing tatlong barangay ang inatake ng mga kawatan.
Sa Barangay Bulong West, nahuli-cam ang suspek na isa-isang inakyat ang poste at tinanggal ang mga solar streetlight.
Ayon sa mga awtoridad, tatlong barangay ang natangayan ng mga ilaw ng kawatan na hinahanap na, pati ang kaniyang mga kasabwat.—FRJ, GMA News
Tags: solar streetlight, hulicam
More Videos
Most Popular