ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Roller coaster, nagkaaberya sa taas na 100 ft.; bagon na may 8 sakay, patiwarik na tumirik
By GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Naging makapigil-hininga ang pagsagip sa walong tao na nakasakay sa isang bagon ng roller coaster na tumirik sa taas na 100 talampakan sa Texas, USA.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Lunes, sinabing naging maingat ang bawat galaw ng mga rescuer para maialis sa bagon ang mga nakatiwarik na sakay ng nasabing ride.
Gumamit ang mga rescuer ng napakahabang ladder truck, at isa-isang kinuha ang mga rider ng roller coaster na inilagay sa bucket at ibinaba.
Ayon sa local media, inabot ng apat na oras bago ligtas na nasagip ang lahat ng mga rider at walang nasaktan. – FRJ, GMA News
Tags: umgnews, roller coaster accident
More Videos
Most Popular