ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Convention center sa Davao City, nasunog ilang oras matapos tumama ang lindol sa Mindanao
By GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sumiklab ang sunog sa Davao Convention and Trade Center sa Davao City ilang oras matapos yanigin ng magnitude 7.8 na lindol ang Mindanao na nagmula sa karagatan ng Sarangani nitong umaga ng Lunes, Hunyo 8, 2026.
Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao, sinabing nagsimula ang sunog dakong 10:00 am. Mabilis namang nakaresponde ang mga bumbero upang patayin ang apoy pagkaraan ng ilang minuto.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may kaugnayan ang nangyaring lindol sa pagkasunog ng gusali.
Naramdaman ang Intensity V sa Davao City sa kasagsagan ng pagyanig.
Sinusuri pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pinsalang idinulot ng sunog sa gusali.– FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular