ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Lalaking nagbantang ikakalat ang private videos at larawan ng ex-gf, arestado


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang estudyanteng lalaki ang inaresto matapos magbanta na ipakakalat ang pribadong videos at larawan ng kaniyang ex-girlfriend na estudyante, na nagpasyang makipag-break na sa kaniya sa San Jose, Antique.

Sa ulat ni John Sala sa GMA Regional TV One Western Visayas nitong Martes, sinabing dinakip ang suspek noong June 5 sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Police Regional Office (PRO)-6.

Nagkunwari ang biktima na pumayag na makipagkita sa suspek kung saan isinagawa ang pag-aresto sa lalaki.

Ayon sa pulisya, nagbanta ang suspek na ipakakalat ang mga pribadong video at larawan ng babae mula nang makipaghiwalay ito sa kaniya.

“Kasi itong victim gustong makipag-break na pero ang suspek ayaw, so gin-threaten niya ang victim na ikakalat yung mga explicit videos and photos kung makikipag-break siya. Nahuli po ang suspek and na-filan ng kaso,” ayon kay Colonel Richard Habawel, hepe ng Regional Anti-Cybercrime Unit (RACU)-6.

Paalala rin ni Habawel sa iba, “Let your intimate moments be a secret between you and your partner.””

Ngunit mas makabubuti umano, ayon sa pulisya na huwag nang kuhanan ng video o larawan ang kanilang pribadong sandal.—FRJ, GMA News