ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Senior citizen na babae na naghihintay sa gilid ng daan, patay sa pamamaril sa Ilocos Sur


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patay matapos barilin sa ulo ang isang 70-anyos na babae sa Sto Domingo Ilocos Sur nitong Miyerkoles ng umaga.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon, sinabing lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nakatayo sa gilid ng daan sa Barangay Puerto Real ang biktima nang lapitan siya ng salarin at malapitang binaril.

Mabilis na tumakas ang salarin matapos na gawin ang krimen at tumakas sakay ng motorsiklo.

Sa hiwalay na CCTV footage, nakita ang isang motorsiklo na tumigil malapit sa kinaroroonan ng biktima at bumaba ang angkas nito na siyang lumapit at bumaril sa biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin.

Sinusubukan pang makuhanan ng pahayag ang mga kaanak ng biktima, ayon sa ulat. – FRJ, GMA News

Tags: crime