ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Mangingisda, tila nakipagbuno sa pugita na kumapit sa kaniyang mukha sa Palawan
By GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Tila nakipagbuno ang isang mangingisda sa nahuli niyang pugita matapos itong kumapit sa kaniyang mukha sa Puerto Princesa, Palawan.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes, iniulat ang video ni YouScooper Clarence Jay Tamula ng pakikipagbuno niya sa pugita.
Bago nito, kinagat niya ang isang bahagi ng pugita para patayin pero bigla itong kumapit sa kaniyang mukha.
Kapag natatanggal niya ang isang galamay, kumakapit naman ang iba pa.
Kalaunan, natanggal niya ang octopus.
Ayon kay YouScooper Clarence, sanay na siyang makapitan ng pugita dahil bahagi ito ng kaniyang hanapbuhay sa dagat. —Jamil Santos/VBL, GMA News
More Videos
Most Popular