ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Guro, itinumba sa tapat ng kaniyang bahay sa Bulacan
By GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Patay ang isang guro matapos siyang barilin sa tapat ng kaniyang bahay Santa Maria, Bulacan.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Biyernes, sinabi ng pulisya na makalipas ang 12 a.m. ng Huwebes nang nakarinig ang kapatid ng guro ng malakas na putok.
Pagkalabas niya ng bahay, nakita na lamang niya na duguan na ang kaniyang kapatid.
Tumangging magbigay ng pahayag sa media ang pamilya ng biktima, habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.—Jamil Santos/FRJ, GMA News
Tags: crime
More Videos
Most Popular