ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Mabilis na reaksyon ng lalaking natutulog nang may marinig na humihingi ng tulong, nauwi sa tawanan ng magkakapatid


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa gitna nang mahimbing na pagkakatulog, biglang bumangon mula sa higaan ang isang lalaki nang may marinig siyang kumakatok, at nagmamakaawa na buksan ang pinto. Pero ang maagap na reaksyon ng lalaki, nauwi sa tawanan nang malaman kung saan galing ang boses ng humihingi ng tulong. Alamin.

Sa ulat ng GMA News Feed, makikitang katabing nakahiga ng lalaking si Jenery ang dalawa pa niyang kapatid sa kanilang bahay sa Quezon City, na nail studio rin dakong 5:00 am.

Nanonood muna noon ng TV ang magkakapatid hanggang sa maunang nakatulog si Jenerey.

Hanggang sa may madinig na ngang kumakatok at boses na nagsasabing, “Anybody there!? Tao po! Hoy, maawa naman kayo!”

Kaagad na tumayo si Jenerey, at dumiretso sa may pintuan para tingnan kung sino ang humihingi ng tulong.

Hanggang sa sabihan siya ng kaniyang mga kapatid na, “Sa TV kuya, sa TV,” nanggaling ang boses at katok na nadinig ni Jenerey.

Dito na kumalma si Jenerey at bumalik sa higaan.

Noong una, hindi raw masyadong pinansin ng magkakapatid ang nangyaring eksena. Pero nang mapanood na nila ang CCTV footage at makita ang reaksyon ni Jenerey, naaliw sila at nagtawanan.

Ayon kay Jenerey, posibleng naging ganoon ang kaniyang reaksyon dahil sa nerbiyos sa tunog ng pagkatok, at paghingi ng tulong.

Maging ang mga nakapanood ng eksena nang ibahagi nila ito sa social media, naaliw din. – FRJ, GMA News