Babaeng rider, nasawi matapos magulungan ng truck na tinangka umano nitong unahan
Nasawi ang isang 21-anyos na babaeng rider matapos siyang masagasaan ng 10-wheeler truck sa Amlan, Negros Oriental.
Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak nitong Martes, sinabing lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nag-overtake umano ang rider sa truck habang nasa tulay ibabaw sila ng tulay sa Barangay Bio-os.
Sa kasamang-palad, sumagi umano ang gulong ng motorsiklo sa bahagi ng tulay kaya nawalan ng balanse ang rider at tumilapon patungo sa hulihang gulong ng truck.
Nakaladkad pa ang biktima bago nakahinto ang truck kaya naipit ang katawan ng rider.
Other Stories
Sinabi ng driver ng truck sa pulisya hindi niya nagawang maihinto kaagad ang truck dahil sa mabigat ang karga nitong mga semento.
Nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng truck habang inimbestigahan ang insidente.—FRJ, GMA News