Jail officer, inaresto ng mga kabaro matapos na malaglag mula sa kaniyang bulsa ang hinihinalang shabu habang naka-duty
Inaresto ng mga jail officer sa Ormoc City Jail ang isa nilang kasamahan na nabistong may ilegal na droga nang mahulog ito mula sa kaniyang bulsa habang naka-duty.
Batay sa ulat ng Ormoc City Police Station 1, umaga noong Agosto 25, 2026 nang mahulog mula sa bulsa ng suspek ang isang sachet na may laman na hinihinalang shabu habang naka-duty.
Nakita ng dalawa niyang kasamahan ang nahulog na kontrabando at kinumpiska ito para i-report sa kanilang opisyal. Kasabay nito ang pag-aresto sa suspek na kanilang kasamahan.
“Matapos nito, ini-report ang insidente sa Ormoc City Police Station 1 para sa kaukulang disposisyon,” ayon sa ulat ng pulisya.
Nasa 2.34 gramo ang kabuuang timbang ng hinihinalang shabu na nakumpiska, na may tinatayang nagkakahalaga ng halos P16,000.
Mahaharap sa mga kasong ang suspek na jail officer kabilang ang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law. – FRJ, GMA News