Dingdong Dantes, sumabak na sa radio tour ng 'Tiktik: The Aswang Chronicles' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Nitong nakaraang Martes, October 9, ay bumisita ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes sa Super Radyo DZBB 594 at sa Barangay LS 97.1. Ito ay bahagi ng radio tour ng Tiktik: The Aswang Chronicles, kung saan hindi lamang bida si Dingdong, kundi isa pa sa mga producers nito.

Dingdong Dantes, sumabak na sa radio tour ng 'Tiktik: The Aswang Chronicles'

Nitong nakaraang Martes, October 9, ay bumisita ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes sa Super Radyo DZBB 594 at sa Barangay LS 97.1. Ito ay bahagi ng radio tour ng Tiktik: The Aswang Chronicles, kung saan hindi lamang bida si Dingdong, kundi isa pa sa mga producers nito.
 
Sa radio show ni Kuya Germs sa DZBB, pinuri ng Kapuso hunk ang leading lady niyang si Lovi Poe. “Si Lovi, sobrang magaling po talaga niya. Sa katunayan, habang ginagawa namin ‘yun, kasabay niyang shinu-shoot ‘yung isa pa niyang aswang movie, because we started this mga early last year pa. Imagine, gumagawa siya ng dalawang aswang movie na sabay-sabay. Nagkataon lang na mas naunang ipalabas ‘yung sa kanya,” paglalarawan ni Dingdong sa dalaga.
 
Dagdag pa niya, “Very professional siya. Mahirap kapag nag-shooting ka ng sabay ‘yung ginagawa mo, malilito ka sa role mo. At nung time na ‘yun, ginagawa pa niya ‘yung Captain Barbell, so parang three roles, pero ang galing niyang mag-shift.”
 
Nang tanungin si Dong kung tuluy-tuloy na ang paggawa niya ng horror films bilang sa genre na ito siya nakakuha ng Best Actor award, nakangiti siyang sumagot. “Di ko alam, pero mukhang nag-eenjoy ako dito.”
 
Sa dami ng Filipino films na sumasali sa mga international film festivals, pangarap din ni Dingdong na masama ang Tiktik sa mga paligsahang ito. “Sana po, kasi malaking bahagi din ng movie ang pagpapakita ng kultura natin, especially as families, kasi hindi lang po siya puro visual na maipapakita kung paano pumatay ng aswang. It’s really a struggle of two families—pamilya ng mga mortal at pamilya ng mga aswang, na kahit papaano ang number one na hangarin nila ay ang protektahan ang mga miyembro ng kanilang pamilya. Basically, it shows how the Filipinos are,” he explains.
 
Sa programa naman ni Papa Tolits sa Barangay LS 97.1, kinuwento ni Dingdong ang preparations nila para mabuo ang pelikulang ito. “Ito ‘yung pelikulang 20 months in the making. Siguro hindi naman lahat ng movies should take that long pero ito kasi, particularly after shooting it for 28 days, we had to go through post production para ma-perfect talaga ‘yung CGI.”
 
Umaasa din si Dong na masundan ang Tiktik ng iba pang ‘Aswang Chronicles’. “Hopefully [maging series ito]. In fact, nung una namin siyang pinlano, wala pa ‘yung title na ‘Tiktik’. Ang working title namin was Aswang. And then it became The Aswang Chronicles, then Tiktik came. We’re hoping kasi marami pong mga klase ng aswang sa Philippine folklore,” he shares.
 
Very happy din siya to have the chance to work with Direk Erik Matti, who also wrote the film’s script. “Klarong-klaro talaga sa utak niya kung ano ang gusto niyang maipalabas. He just explained to us kung ano ‘yung characters, tapos ginuide niya kami kung ano dapat ang itsura, ano dapat ang galaw. At the same time maganda rin na may liberty kami na mag-suggest, pero siyempre, everything through his guidance,” says Dong.
 
Abangan si Dingdong Dantes bilang Makoy sa Tiktik: The Aswang Chronicles, in theaters nationwide beginning October 17. -- Michelle Caligan, GMANetwork.com