Romansahan nina Richard at Marian sa "My Lady Boss," pinatindi at pinaigting nang todo!
June 20 2013

Masusulit muli ang paghihintay ng mga Chard-Yan (Richard-Marian) followers sa muli nilang pagsasama sa pinakamasaya at pinakaromantikong pelikula ng taon na "My Lady Boss" mula sa Regal Entertainment, Inc. at GMA Films na sa July 3 ang showing.
Pinasiksik kasi nang husto ng producers at director ng movie na si Jade Castro ang kilig moments ng dalawang bida mula sa simula hanggang sa wakas. Kumbaga, hindi mabibitin ang manonood sa halos makatotohanan na romansahan nila, huh!
Kung sa unang pagsasama nina Richard at Marian sa "My Best Friend's Girlfriend" ay nandoon pa ang hiya at ilangan sa isa't-isa, this time, kumawala na sila nang husto upang tugunan ang kani-kanilang role na mature na ang dating!
Eh, 'yung mga eksensa sa trailer ay patikim pa lang sa landian moments nina Chard at Yan Yan dahil mas marami pang mga pasabog at paandar na mga eksena na tiyak na ikaka, "Ohhhhh at ahhhh!" ng viewers. Feeling nga ng nakasaksi sa kanila, basta sa ikatutuwa ng kanilang follwers, keber sila sa mga intrigang tinotohanan nila ang kanilang lambingan sa movie.
Sa movie, pusong bato ang ugali ni Marian bilang boss ng isang department na kinabibilangan din ni Chard. Pero nakatikim siya ng karino kay Chard kaya naman bumigay siya nang todo! Lumabas pa siyang mas agresibo sa kanyang empleyado komo nga nakakawala siya sa pang-ibabaw na anyo!
Para naman kay Chard, maning-mani na ang role bilang romantic-comedy leading man. Pero binigyan niya ito ang panibagong approach dahil espesyal sa kanya si Marian bilang kapareha. Feeling tuloy ng mga witness sa kaswitan nila sa set, magsyota na ang turingan nila sa isa't-isa upang isa-buhay ang kanilang characters.
After "MLB," alam nina Chard at Yan Yan na matatagalan pa bago sila mapagsamang muli. Kaya ninamnam na nila na ang bawat araw nilang shooting at eksenang pinagsaluhan nila. So, kahit ilang beses maglapat ang kanilang labi, gumawa man sila ng nakapaglalaway sa eksena, dahil na rin 'yon sa gusto nilang magmarka muli ang pagtatambal nila.
At 'yan ang ginawa nila sa "My Lady Boss" kaya naman ramdam na ramdam ang elektrisidad sa bawat pagniniig ng dalawa, huh!
Kaya tili ng mga producer at director, pati na production staff, "Richard and Marian are at their best in My Lady Boss!"
Upang magdagdag-kulay sa movie, nasa cast din ng "My Lady Boss" ang mainit na primetime actor na si Tom Rodriguez at nasa cast din ang award-winning artists na sina Ronaldo Valdez, Maricel Laxa, Rocco Nacino, Sef Cadayona at marami pang iba.
Sariwain muli ang feeling ng isang taong nagmamahal at ang mga sorpresang dala nito sa "My Lady Boss" na mapapanood sa Hulyo 3.
Scroll to top