Dennis Trillo, dumalo sa 'Green Bones' block screening ng fans at deaf community
January 08 2025
Maraming netizens ang nabigyan ng pag-asa at inspirasyon sa 2024 Metro Manila Film Festival movie na Green Bones.
Maliban sa nakakaantig nitong istorya, puno ng makabuluhang aral ang pelikula tungkol sa mga usaping sakripisyo, hustisya, at kabutihan. Nagbigay rin ito ng kamalayan sa iba't ibang sitwasyon na kaugnay sa mga nangyayari ngayon sa bansa. Kagaya na lang sa mga pagsubok ng mga miyembro ng deaf community.
Ang Kapuso child star na si Sienna Stevens ay ginampanan ang papel ng isang batang may kapansanan sa pandinig. Mapapanood din ang ibang cast kagaya nina Dennis Trillo, Mikoy Morales, at Royce Cabrera na malinaw mag-sign language sa pelikula.
Kaya naman maraming indibidwal na parte sa deaf community ang natuwa at na-inspire panoorin ang Green Bones. May ilan nag-abot ng kanilang pasasalamat sa creators ng pelikula sa kani-kanilang block screenings.
Upang mas maghatid ng saya sa deaf individuals, bumisita na rin ang 2024 MMFF Best Actor winner na si Dennis Trillo sa isang special screening ng komunidad.
Masayang nakahalubilo ni Dennis ang mga dumalo sa blockscreening, kasama na rin ang kanyang fans na nag-organize ng event. All smiles naman ang lahat habang pinapanood ang inspirational-drama film kasama ang lead actor.
Sa isang post ng GMA Pictures, ipinakita ang kanilang photos sa block screening. Masaya rin isinulat sa captions, "Block Screening with the Deaf Community" kasama ang heart-hand emoji. "Ginanap ang isang block screening ng Green Bones Movie para sa fans ni MMFF 50 Best Actor Dennis Trillo kasama ang deaf community!"
Patuloy mapapanood ang Green Bones sa mga ilang sinehan nationwide, hanggang January 14.
Ito ay idinerehe ni Direk Zig Dulay at isinulat nina Ricky Lee at Angeli Atienza. Co-produced din ito ng Brightburn Entertainment at distributed ng Columbia Pictures para sa Sony Pictures Releasing International.
Ipapalabas din ang Green Bones kasama ang iba pang MMFF movies sa Los Angeles, USA, para sa Manila International Film Fest 2025 (MIFF). Ang awaited film festival ay magsisimula sa January 30 hanggang February 2, 2025.
Balikan ang block screening highlights nina Sofia Pablo, Allen Ansay, at ang kanilang fans, dito:
Scroll to top
Comments
comments powered by Disqus