First Lady Liza Araneta-Marcos, may VIP screening ng 'Green Bones' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Dumalo ang Kapuso stars at GMA officials sa 'Green Bones' VIP screening ni First Lady Liza Araneta-Marcos. 

First Lady Liza Araneta-Marcos, may VIP screening ng 'Green Bones'

By KRISTINE KANG

Maraming celebrities, fans, at netizens ang nagpa-block screening na sa inspirational-drama film na Green Bones. Kasama ang kanilang mga kaibigan at pamilya, sama-sama nilang natunghayan ang nakakaantig na istorya at magandang cinematography ng GMA Pictures at GMA Public Affairs film.

Kamakailan lang, nagkaroon ng VIP screening ang pelikula para kay First Lady Liza Araneta-Marcos at iba pang government officials.

Masayang iprinisinta ni GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdez ang pelikula, kasama sina GMA Public Affairs First Vice President and GMA Pictures Executive Vice President Nessa Valdellon, at Sparkle First Vice President Joy Marcelo. Present din ang screenplay writer na si Angeli Atienza sa intimate screening.

Bumati naman sa VIP guests ang award-winning Green Bones stars na sina Best Actor Dennis Trillo, Best Supporting Actor Ruru Madrid, Best Child Performer Sienna Stevens, at Sparkle star Royce Cabrera.

"Salamat po sa pagbibigay po ng inyong mga oras para po panoorin ang pelikulang po ito. [Ang Green Bones] ay pinagpunan po namin ng buong puso. Inialay po namin ang lahat ng ito para po sa hangarin na makapagbigay ng magandang pelikula para po sa ating mga kababayan at para po sa lahat," ani Ruru.

"Simple lang po 'yung movie pero 'yung message niya tatagos talaga sa mga puso n'yo po kaya sana po ay magustuhan n'yo po and enjoy the movie," dagdag ni Dennis.

 

 

Now showing pa rin ang 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) Best Pictures winner na Green Bones sa mga sinehan nationwide hanggang January 14.

Ito ay idinerehe ni Direk Zig Dulay at isinulat nina Ricky Lee at Angeli Atienza. Co-produced din ito ng Brightburn Entertainment at distributed ng Columbia Pictures para sa Sony Pictures Releasing International.

Mapapanood din ang Green Bones kasama ang iba pang MMFF movies sa Los Angeles, USA, para sa Manila International Film Fest 2025 (MIFF). Ang awaited film festival ay magsisimula sa January 30 hanggang February 2, 2025. Kasama rin ipapalabas ang high-grossing film ng GMA Pictures at Star Cinema na Hello, Love Again.

Balikan ang congratulatory messages ng ilang celebrities sa pelikulang Green Bones: