Dennis Trillo at Ruru Madrid, labis ang pasasalamat sa team ng 'Green Bones' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Nagpasalamat sina Dennis Trillo at Ruru Madrid sa mga sumuporta at tumulong sa  pelikulang 'Green Bones.'

Dennis Trillo at Ruru Madrid, labis ang pasasalamat sa team ng 'Green Bones'

By KRISTINE KANG

Naghatid ng saya at pasasalamat ang award-winning main lead stars na sina Dennis Trillo at Ruru Madrid sa buong team ng kanilang pelikula na Green Bones.

Sa kanilang intimate Thanksgiving dinner, ibinahagi ng dalawang aktor ang labis nilang pasasalamat sa suporta at teamwork ng mga Kapuso na nasa likod ng tagumpay ng kanilang pelikula.

"Marami po talagang nagtulong-tulong para buoin itong project na ito. Kagaya ng sinabi Direk Zig, isang village ang kailangan magtulong para makagawa ng ganitong proyekto. Kaya maraming salamat sa kanilang lahat, sa inyong lahat dahil hindi namin magagawa ang mga trabaho namin ng mabuti kung hindi dahil sa suporta ng ating lahat, sa tulong-tulong natin lahat," sabi ni Dennis.

Overwhelmed naman sa tuwa si Ruru na maging parte sa award-winning GMA film sa 2024 Metro Manila Film Festival. Very grateful daw ang primetime action hero sa lahat ng team na parte ng magandang pelikula.

"Hanggang ngayon parang [nalulutang] pa rin ako sa galak, sa saya, at sa pasasalamat na naging parte po ako ng napakamagandang pelikula na po ito. Sabi ko nga itong pelikula na ito, ito 'yung mga tipo ng pelikula na kahit na tumanda na ako, mawala na ako sa mundong ito, nakatakda na sa mga puso ng mga Pilipino ang Green Bones," ani Ruru. "Salamat po sa bawat isa sa inyo. Of course GMA Pictures, GMA Public Affairs, Ms. Nessa Valdellon, you know gaano ka-grateful. Sa lahat ng cast, of course kay kuya Dennis. Sa lahat, maraming, maraming salamat."

Patuloy mapapanood ang inspirational-drama film na Green Bones sa mga ilang sinehan nationwide hanggang January 21.

Malapit na ring lumipad papuntang USA sina Dennis ar Ruru para sa Manila International Film Fest 2025 (MIFF). Gaganapin ang screening at gala sa Los Angeles, California mula January 30 hanggang February 2, 2025.

Balikan ang congratulatory messages ng ilang celebrities sa pelikulang Green Bones