Barbie Forteza, aminadong hirap sa pagda-dub ng pelikulang 'P77' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Ano kaya ang rason bakit nahirapan si Barbie Forteza sa dubbing session ng pelikula niyang 'P77?'

Barbie Forteza, aminadong hirap sa pagda-dub ng pelikulang 'P77'

By AARON BRENNT EUSEBIO

Aminado ang aktres na si Barbie Forteza na nahirapan siyang mag-focus sa pagda-dub ng kanyang pelikulang P77 dahil nauunahan siya ng takot at gulat.

Sa Instagram, ibinahagi ni Barbie ang isang behind-the-scenes video habang dina-dub niya ang kanyang karakter na si Luna.

"Ang hirap magfocus sa voice dubbing, nauuna yung gulat at takot e," sulat ni Barbie sa caption.

Sa video, maririnig si Barbie na natatakot habang pinapanood ang mga eksena ng P77. Saad niya, "Ang hirap mag-dub ng horror! Nagugulat ako!"

Isang mind-bending horror film ang P77 na idinerehe ni Derick Cabrido at isinulat ni Enrico Santos mula sa orihinal na konsepto nina Anj Atienza at Kristian Julao.

Ang Warner Bros. Philippines ang magiging distributor ng P77 na ipapalabas sa mga sinehan sa buong bansa simula July 30.