JC Alcantara, umaming mayroon siyang third eye | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Binalikan ni JC ang kakaibang karanasan niya noong bata pa siya sa Nueva Ecija hanggang sa lumipat na siya sa Maynila para magtrabaho.

JC Alcantara, umaming mayroon siyang third eye

By AARON BRENNT EUSEBIO

Umamin ang aktor na si JC Alcantara na simula noong bata pa siya ay nakakakita na siya ng mga multo at elemento na hindi basta-basta nakikita ng mga ordinaryong tao.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay JC, binalikan niya ang karanasan niya noong bata pa siya.

“Oo naman, naniniwala ako,” sagot ni JC nang tanungin kung naniniwala siya sa mga multo. Pagpapatuloy niya, “Kasi bata pa lang ako, nakakita na ako ng multo, as in in front talaga sa face ko.”

“Hindi ako naniniwala before, nung na-experience ko siya, doon ako natakot talaga kasi ‘yung tita ko, 'tsaka ‘yung tito ko, parang namatay ‘yung anak ng tito ko, isang baby tapos isang panganay niya. After noon, palipat-lipat ako, hanggang sa katabi ko na sila. Pagtingin ko sa ilalim ng bed, may nakita akong bata na inaabot ako, tapos iyak ako nang iyak. Sabi ko, may multo sa baba.

“Binuksan nila ‘yung ilaw, iyak pa rin ako nang iyak. Nung kalmado na, pinatay na nila ‘yung ilaw ulit, ‘yung bubong na uso dati, ‘yung parang transparent, ‘yung white lang, ‘yung maliwag, doon dumaan, nakita ko ‘yung yapak ng paa niya.

“Doon ko na-experience na makakita talaga ng multo.”

Pagkatapos ng insidenteng ito noong bata siya, nasundan pa ito nang lumaki na si JC at lumipat sa Manila galing sa Nueva Ecija para magtrabaho.

“Nung last, sabi ko, b'at lagi kong nakikita ‘yung babae doon sa amin, sa may Bongabon, Nueva Ecija, merong nagpakita sa 'king babae, color black siya, and then para siyang, sobrang dumi niya,” kuwento ni JC.

“Tapos lumabas siya sa face ng kuya ko, [pagtingin] ko sa kanya, naka-ganun ‘yung mata niya. Sabi ko, ‘Oh my God, totoo.’ As in, totoong nakita ko ‘yung face ng babae.

“Umiiyak ako sabi ko, ‘Kuya, kuya, may multo sa mukha mo.’ Then after nun, hanggang sa nakasanayan ko nang nagpapakita siya sa akin.

“Pinag-pray ko siya sa Pangasinan, sa church doon, after noon, naging white na siya. Parang nagpasalamat siya sa akin, then after noon, hindi na siya nagpakita.

“Parang humihingi siya ng tulong nung time na ‘yun. Grabe, as in, takot na takot ako kapag nakikita ko siya, hanggang sa sinusundan na ako hanggang doon sa isa ko pang bahay sa Nueva Ecija.

“Noong pinag-pray ko, nawala na siya.”

Hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin si JC ng mga bagay na hindi kayang maipaliwanag.

“Nagpaparamdam talaga siya. Before, nang lumipat ako ng unit doon sa Makati, pinagawa ko kasi ‘yung bahay na ‘yun, and then after noon, pagkalipat ko, gusto ko i-experience na makatulog,” patuloy niya.

“Ako lang mag-isa, sleep ako, may nararamdaman akong may tumatakbo sa paligid ko. And then after nung pangalawang araw, pangatlong araw, nakataas ‘yung isang [buhok] ko, isa lang, ito lang.

“Nakahiga ako, umangat siyang ganon nang biglaan. Hindi ko siya maipaliwanag, pero as in nangyari talaga siya. [Tinataboy] ko na lang, sabi ko, ‘Hindi kita guguluhin.’

“May nararamdaman talaga, feeling ko may third eye ako.”

RELATED GALLERY: Get to know Kapamilya actor JC Alcantara

 

 

Parte si JC ng upcoming mind-bending horror movie ng GMA Pictures na P77 na pinagbibidahan ni Barbie Forteza bilang si Luna, isang breadwinner na kinailangan tanggapin ang trabaho sa P77 matapos biglang maglaho ang nanay niya.

 

Mapapanood ito sa mga sinehan sa buong bansa simula July 30.