Barbie Forteza, may inspirasyon sa karakter niyang si Luna
July 22 2025
Nagkaroon ng inspirasyon ang aktres na si Barbie Forteza sa isang internationally-acclaimed movie para sa kanyang pagganap bilang Luna sa upcoming mind-bending horror movie ng GMA Pictures na P77.
Kuwento ni Barbie sa GMANetwork.com, ang kanyang kaibigan at co-star sa GMA Prime series na Pulang Araw na si Karenina Haniel ang nag-suggest na panoorin niya ang pelikulang Dancer in the Dark.
Aniya, “Lagi kasi akong kumukuha ng reference sa mga pelikula, sa mga artista. ‘Yung friend ko, si Karenina Haniel, co-actor ko siya sa ‘Pulang Araw.’ Sabi niya, ‘Mare, panoorin mo ‘yung Dancer in the Dark."
Ang Dancer in the Dark ay isang 2000 musical psychological tragedy film na pinagbidahan ni Bjork na gumanap bilang isang factory worker na may malubhang sakit sa mata.
Pagpapatuloy ni Barbie, “Ang ganda nung character, kitang-kita mo ‘yung fragility, ‘yung resilience nung character. ‘Yun ‘yung nakita ko kay Luna kasi. Perfect recommendation of film ‘yung Dancer in the Dark.”
“From there, binuo ko ‘yung character ni Luna, hindi siya weak, e, mas fragile, maraming mga unresolved issues internally, so doon nabubuo ang kanyang fragility.”
Si Luna ay isang breadwinner na kinailangan tanggapin ang trabaho sa P77 matapos biglang maglaho ang nanay niya.
Mapapanood ang P77 sa mga sinehan sa buong bansa simula July 30.
RELATED GALLERY: The acting range of Barbie Forteza
Scroll to top
Comments
comments powered by Disqus