Barbie Forteza admits being drained after shooting one part of 'P77'
July 31 2025
Inamin ni Barbie Forteza na sobrang na-drain siya nang kunan ang ilang eksena sa mind-bending horror film ng GMA Pictures na P77 na napapanood na ngayon sa mga sinehan.
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Barbie, kinuwento niyang nahirapan siya nang husto nang kinukunan nila ang huling bahagi ng pelikula kung saan nalaman na niya ang katotohanan.
“‘Yung mga towards the end na, ‘yung mga revelations of everything, ‘yung mga plot twists, ‘yun nakakapagod kasi heightened talaga ‘yung emotions, e,” sagot ni Barbie.
“Siyempre, ‘yung technicalities of filmmaking, ‘di ba? Ang taas-taas ng emosyon mo, and then you have to do it for what, five, six times kasi siyempre maraming anggulo, maraming shots na kailangang gawin, so kailangan mong bumalik at bumalik doon sa level of emotions mo ‘yun nang five or six times."
Dagdag ni Barbie, sobrang na-drain siya dahil kailangan niyang ulit-ulitin ang eksena kung saan buong katawan niya ang gumagalaw.
“‘Yun para sa akin ‘yung draining emotionally, physically, kasi ‘pag umaarte, talagang buong katawan mo talagang nagtatrabaho. Utak mo, puso mo, buong katawan mo kailangan gumagalaw, hindi pwedeng isa lang,” saad niya.
“Draining talaga siya, tapos galing pa ako sa Pulang Araw. Imagine kung anong itsura ko nung mga panahon, hindi ko na rin maintindihan.”
Mapapanood na ang P77 sa mahigit 170 na mga sinehan sa buong bansa.
RELATED GALLERY: Barbie Forteza graces tear-jerking advanced screening of 'P77'
Scroll to top
Comments
comments powered by Disqus