Barbie Forteza, aminadong naapektuhan ng kanyang 'P77' role | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Paano kaya nakaapekto kay Barbie Forteza ang kanyang karakter sa 'P77' na si Luna?

Barbie Forteza, aminadong naapektuhan ng kanyang 'P77' role

By AARON BRENNT EUSEBIOBARBIE FORTEZA IN P77

Aminado ang aktres na si Barbie Fortez na naapektuhan siya ng karakter niya sa mind-bending horror movie ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na P77.

Sa pelikula kasi ay gumaganap si Barbie bilang si Luna, ang babaeng magtatrabaho sa P77 kasunod ng pagkawala ng kanyang ina.

Saad ni Barbie sa panayam ng GMANetwork.com, “Nakaapekto siya kasi marami akong na-realize while playing the role of Luna, and isa na nga doon, maximizing your time with your loved ones, kasi hindi mo alam kung kailan na 'yung last time you'll get to be with them."

“'Yung freeing yourself from guilt, accepting what is, letting go of what isn't, letting go of your what ifs.

"Acceptance sa iyong situation, 'wag mong gawing burden ang sarili mo sa pamilya mo. Nakaapekto sa akin 'yun, from there, mas lalo kong naintindihan 'yung character ni Luna."

 

Napapanood pa rin ang P77 sa mga sinehan sa buong Pilipinas ngayong linggo.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by GMA Pictures (@gmapictures)